Ako, Ikaw, Tayo.
Ako nandirito para sayo.
Ako na kuntento nalang sa sulyap.
Ako na nagpaparamdam sayo.
Ako na nalulungkot sa twing malungkot ka
Ako na masaya kapag ikaw ay masaya.
Ako na hindi napapansin ang nais kong iparamdam.
Ako na masaya dahil may ikaw.
Ako na ang tanging nais ay ikaw.
Ikaw na may ibang mundo.
Ikaw na may damdamin sa iba.
Ikaw na kaibigan lang ang tingin sa akin.
Ikaw na masaya sa iba.
Ikaw na hindi pinapansin ang aking damdamin.
Ikaw na hindi nakikita ang isang ako.
Ikaw na ang tanging nais ay iba.
Ako at ikaw ngunit walang tayo.
Ako at ikaw magkaibigan lamang.
Ako at ikaw ay malabong magkaroon ng TAYO.
Tayo na hanggang dito lamang
Tayo na hanggang kaibigan lamang
Tayo na malabong maging TAYO.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento