Taguan


Image result for taguan



Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Pagkabilang kong tatlo, nakatago na kayo Larong di natin malilimutan Sabi nila'y di kumpleto ang kabataan, Kung hindi mo 'yan naranasan Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Naisip mo na bang di lang bata ang nagtatagu-taguan? Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Bakit kailangang itago ang ating nararamdaman? Pagkabilang kong tatlo, nakatago na kayo Isa…bakit ayaw mong mauna? Dalawa…dalawa lang naman tayo pero bakit nagtataguan pa? Tatlo…hanggang dito ba naman ang huli pa rin ang mananalo? Hindi na tayo bata para maglaro pero bakit nagtataguan pa? Tagu-taguan, MAS maliwanag pa sa buwan At halata naman, na pareho tayong naghihintayan Gusto ko sanang magtago pa, kaso baka mapagod ka na Gusto ko sanang magpataya, kaso baka hindi ka na magpakita Pero dahil mahalaga ka, ako na ang magpaparaya Magpapahuli na ako, dahil OO..GUSTO KITA Kaya’t sana wag ka na magtago at wag ka na lumayo, Dahil bago pa nagsimula ang ating laro, Ayaw na kitang mawala sa buhay ko. At sa pagtatapos ko ng tulang ito, Sana ganoon na lang din kadali na itanong sayo NA PWEDE BANG IKAW NA LANG AT AKO? NA PWEDE BANG MAY TAYO? NA NAPAPAGOD NA AKO KAYA PWEDE BANG ITIGIL NA NATIN ANG PAGLALARO? NA PWEDE BANG SERYOSOHIN NA NATIN ‘TO?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

5 Tips for Healthy, Loving Relationships