Kaya ko pa o Tama na Madalas sa paglalakbay ko, palagi kong natatanong sa sarili ko at sa Diyos, nakasalubong ko na ba ang pusong bubuo sa puso ko? O babalik pa ba ang pusong minsang bumuo nito? Nakakapagod rin pala ano. Ang magmahal ng walang natatanggap na pagmamahal. Ang magbingi bingihan sa mga matulis na salitang tumatagos sa puso. Ang magbulag bulagan sa mga nakikita ng mata. Ang maging manhid sa sakit na nadarama. Nakakapagod rin pala. Hindi ko kasalanang pinili ka ng puso ko. Hindi ko ginustong gustuhin ka ng puso ko. Ano bang magagawa ng isang taong tulad ko? Hindi ko hiniling na magkaroon ng pusong ganito. Nang ipanganak ako, hindi ako ang namili ng pusong magiging parte ng buhay ko. Basta nalang nangyari, walang tanong tanong. Naramdaman kong tumibok ito nang dahil sayo. Hindi mo rin naman kasalanang hindi mo kayang ibalik ang nararamdaman ko. Hindi mo rin naman kasalanang masaktan ang puso ko nang dahil sayo. Parehas lang tayo. Biktima ng isang tadhanang nagkamali ng pinagtagpo. Nagkamali si kupido nang panain niya ang puso ko at ihulog sayo. Sanay na ako sa ganito. Yung Pinana ang puso, tapos malalaglag sa ibang puso. Yun nga lamang, palaging sa maling kapares kaya nahuhulog at nasusugatan ng tuluyan. Ano ka ba naman kupido? Hindi ba pwedeng ilaglag mo ang puso ko sa taong sa akin ay handang sumalo? Sa ngayon nalilito ako. Sa ngayon hindi ko alam ang pipiliin ko. Hindi ko alam kung ano ang landas na tatahakin ko sa pagitan ng KAYA KO PA at TAMA NA. Isusugal ko bang muli ang puso kong masugatan upang subukang akyatin ang bakod na itinayo mo upang protektahan ang pusong inilaan mo para sa ibang tao o Ititigil ko na ba ang pag-asang umuusbong dito sa puso ko sa tuwing titingnan mo ang mga mata ko ng diretso at sa tuwing ako ay ngingitian mo. Sa tuwing nararamdaman kong maaari pang sagipin ng puso mo ang puso kong nasugatan na, Sa tuwing nakikita ng aking mga mata na maaaring may pag-asa pa, Sa tuwing naririnig ko ang tibok ng puso mong sumasabay sa pintig ng puso ko, Masaya sana kung ganoon nga, pero ang totoo? Ilusyon lamang pala. Ilusyong nagtayo ng pag-asa sa puso ko, Ilusyong hindi ko dapat paniwalaan, pero kinakapitan nitong puso ko. Sa lahat ng dahilang pwede akong bumitaw sayo, mayroong isang bahagi dito sa puso ko ang nagpapasya na kumapit pa sa puso mo. Kaya ko pa. Yan ang sabi ng puso ko. Tama na. Yan ang dapat na gawin ko. Kaya ko pa. Yan ang nararamdaman ko. Tama na. Bulong ko sa sarili ko at ng ibang tao. Sa pagitan ng KAYA KO PA at TAMA NA, alin ang pipiliin ko? Sa ngayon hindi ko pa alam. Basta ang alam ko lang, Naniniwala ako na sa isang araw, malalaglag din ang puso ko sa pusong may proteksiyong nakahanda para sa akin. Sa pusong handang sumalo sa puso ko mula sa pagkakalaglag nito Sa puso kong dumaan sa ilang tinik upang makatagpo ang pusong magpapagaling nito Sa puso kong nakatagpo ng maraming pagkakamali upang mahanap ang tunay na nagmamay-ari nito Hihintayin ko ang pagdating niya sa buhay ko Sa tamang panahon. Sa tamang pagkakataon. Maghihintay ako... Magtitiwalang muli, na darating ka sa buhay ko. Maghihintay ako Maghihintay ako...

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento