Hintay
Ang sabi niya kasi hindi na siya magmamahal pa,
Kaya naman ang aking ginawa.
Binantayan siya.
Pinagmamasdan ang wangis
Na minsan ko ng kinabisa.
Ang kanyang anyo na minsan nagpagulo na rin sa utak kung balisa.
Binantayan kita--
Natatakot akong agawin ka ng iba.
Ang sabi mo kasi hindi ka muna magmamahal.
Kung kailan naman ako handa,
Saka naman ako nabalewala
Pero hindi ako sumuko--
Mahal kasi kita,
Mahal na mahal.
At sa sobrang pagmamahal
Hinayaan kung tumulo ang luha sa wala naman dahilan.
Hinayaan kung ang mata
Na saksihan ang bawat babae na mapapadaan.
Hinayaan ko ang puso kung madurog nalang.
Hinayaan ko ang pagbabalewala.
Dahil wala lang naman ako, di 'ba?
Hinayaan kita,
Kasi mahal kita.
Ang sabi mo kasi hindi ka muna magmamahal.
Kaya anong sasabihin ko
Kapag nasaktan ako.
Anong karapatan ko?
Anong karapatan ko sayo?
Ang sabi mo kasi hindi ka muna magmamahal.
Titiisin ko lang,
Hangga't sa handa kana.
Kunti pa..
Hindi pa naman ako pagod.
Basta mahal kita.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento