Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017

BAKIT IKAW PA?

Imahe
Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa? Na hindi ako kayang pansinin.  Bakit ikaw pa? Na hindi ako kayang mahalin. Mahalin. Isang salita, pitong letra lang ang hinihingi ko, hindi ako naghahangad na lumampas sa pito. Pero mahal, bakit hirap na hirap kang gawin ito. Oo nga naman. Hindi ka nakikita ng aking mga mata sa araw-araw pero bakit ikaw pa? Hindi ko din alam. Dahil marahil na kahit anong tanaw ko sayo ay hindi kita makita pero sa puso ko, kitang kita kita. Oo nga naman. Tama sila. Ilang kilo metro ang layo mo sa akin pero bakit ikaw pa? Napabuntong hininga nalang ako. Dahil kahit gaano ka kalayo sa akin, kahit lupa man at langit ang agwat nito pero sa puso't isip ko yakap yakap ka nito. Sa dinami-rami nila bakit ikaw pa? Madalas na tanong sa akin ng karamihan na madalas ding bumabagabag sa akin isipan. Pero mahal, kahit na ilang tanong pa ang ihain sa akin ng karamihan. Kahit ilang ikot pa ng tanong na ito sa aking isipan. Ikaw at ik...

Ako, Ikaw, Tayo.

Imahe
Ako nandirito para sayo. Ako na kuntento nalang sa sulyap. Ako na nagpaparamdam sayo. Ako na nalulungkot sa twing malungkot ka Ako na masaya kapag ikaw ay masaya. Ako na hindi napapansin ang nais kong iparamdam. Ako na masaya dahil may ikaw. Ako na ang tanging nais ay ikaw. Ikaw na may ibang mundo. Ikaw na may damdamin sa iba. Ikaw na kaibigan lang ang tingin sa akin. Ikaw na masaya sa iba. Ikaw na hindi pinapansin ang aking damdamin. Ikaw na hindi nakikita ang isang ako. Ikaw na ang tanging nais ay iba. Ako at ikaw ngunit walang tayo. Ako at ikaw magkaibigan lamang. Ako at ikaw ay malabong magkaroon ng TAYO. Tayo na hanggang dito lamang Tayo na hanggang kaibigan lamang Tayo na malabong maging TAYO.

Ka-ibigan.

Imahe
Kaibigan? Masarap sa pakiramdam ng may totoo tayong kaibigan. Na laging andiyan kahit wala silang kailangan. Na kahit buwan man o taon na kayo'y di nagkikita ay di ka nila nakakalimutan? Naalala ka na, kinakamusta? Inaalam kung buhay ka pa. Kaibigan? Sila yung lalaitin ka harap-harapan. Sila yung dumadamay kapag ang puso mo ay sugatan. Pero paano kapag minahal mo iyong kaibigan?  Aaminin mo ba sa kanya at isusugal ang matagal na pinagsamahan? Nagdadalawang isip,tibok ng puso mo ay parang kulog dahil sa lakas ng kabog nito. Kaibigan, " mahal kita hindi bilang kaibigan. Kundi bilang isang ka-ibigan". At sinabi mo ring ako'y iyong mahal. Pero bakit habang tumatagal ay nag iiba ka? Umaasang sa kakarampot na pag asa masusuklian ang isinugal na pagkaka ibigan. Isa,dalawa,tatlo hindi lang pala akong 3 buwan umaasa kasi hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. Pinapaulit ulit ko sayo kung pwede bang may ikaw at ako pero laging hindi ang sagot mo. Paulit ulit mo rin sinasabing ...